[postlink]
https://liriko-ph.blogspot.com/2012/11/breezy-boyz-abaddon-dear-biyenan.html[/postlink]
[starttext]
"Dear Biyenan" Song by Breezy boyz & Abaddon
From the album " Breezy boyz meet Breezy girlz "
Lyrics & Concept by Breezy boyz & Abaddon
Recorded at Planta Musika Recording studio
Original Instrumental by John Ege of J.E. Beats
Music arranged & produced by Abaddon
Directed by Julius Olaya
Breezy Boyz & Abaddon - Dear Biyenan Lyrics
Curse one:
Mula nang umpisang nakita ko siya at nakilala,( Nakilala )
alam ko siya na talaga ang gusto kong mapangasawa, ( Mapangasawa )
di' ko po kaya mawala pa siya sakin, ( Sakin )
lahat ay aking hahamakin,
para sa pag mamahalan naming dalawa,
pagkat' siya lang po ang nagpakita nang tunay na,
kahulugan ng pag ibig sakin, nagbigay saya,
sa araw araw naming pag sasama,
napatunayan ko pong totoo ang lahat ng ito,
kaya kahit saan pang simbahan,
handa ko pong pakasalan ang anak niyo.
Chorus
Slick one:
ang nais ko lang ay anak niyo ay aking pakasalan,
( kahit saan mang simbahan para lang inyo hong' malaman ),
sukdulan, hanggang langit aking nararamdaman,
( di' na kaya pang ipagpaliban, kaya sana po'y iyong payagan ),
na maihatid sa altar kaming dalawa ay ikasal,
at buong buhay ko'y ilaan upang mapasaya lang,
saking piling ang inyong anak,
siya lang ang tinatanging babae,( Babae ),
karugtong ng buong buhay ko,
kaya't sana ay pag bigyan magkasama kaming dalawa, ( ohh ),
siya lang ang tinatanging babae, ( Babae ),
ang tulad niya saki'y walang kapalit,
basta't alam ko lang tapat at lubusan ang pag ibig ko,
sa iyong anak.
Chorus
Vlync:
May gusto pong sabihin ang aking mga labi,
kahit po naiilang, naiilang sabihing akin na lang siya,
siya kasi, siya kasi masiyado niyang pinaramdam sa akin na,
iba siyang mag alaga kaya nandito po ako ngayon,
hindi makalingon, nag hihintay po nang tugon galing sa inyo,
anumang desisyon ipag lalaban ko po,
mang yari po, tayo'y magkasundo,
sa pinaka espesyal na araw sa buhay ko,
sana'y payagan niyo na,
kaming dalawa'y magpakasal sa lalong madaling panahon.
Chorus:
Lux: kamusta po?( Kamusta po? ), nawa'y nasa maayos,
naparito po ako para idaos,
ang isang salo salo kung tawagin ay hapunan,
samahan niyo po ako at ating pag usapan,
sa totoo lang ang hirap pong ipaliwanag,
simpleng sagot ng OO gusto ko na mapanatag,
ang kalooban ng bawat isa'y yakapin,
pag buklodin ang pag ibig ang aking hangarin,
malinis at dalisay pangako habang buhay,
ko pong mamahalin ang anghel na nag pakulay,
na siya pong nag aalis ng pagod niyo sa magdamag,
isang halik lang sa pisngi walang utos niyang nilabag,
mga pangaral at pangako tanging yamang nakamit,
ito na po ang panahon para suot nya ang damit,
na siya pong mag niningning sa araw na itinakda,
at ang karwahe ng pag mamahal ang siyang mag dadala,
sa amin sa altar.
Chorus:
Abaddon:
salamat po dahil,
sa pamilya niyo galing ang babaeng nakapag sabing,
mahal niya rin ako, ramdam ko po ang pag ibig-
habang siya'y nakatitig sa akin,
siya po ang nagmulat ng salitang pagbabago'y,
di malabo sa katulad kong naging bilanggo-
nang hindi matuwid na pagkatao,
siya po ang babaeng pinapangarap kong makasumpaang-
makasama sa darating pang panahon,
at walang iwanan hirap o kasaganahan ,
basbasan nyo po ako, itaga niyo sa bato ,
ako po ay magiging mabuting ama ng inyong mga apo,
walang ibang hahangarin kung hindi mabigyan-
nang magandang kinabukasan ang pamilyang aming nabuo,
sa tulong po ninyo't gabay,kami ay mag lalakbay,
sa lahat ng bagay buo at mag kasundo,
huwag po kayong mag alala, aalagaan ko po ang inyong prinsesa,
kami po'y mag sasama sa matuwid na sistema,
isang pamilyang laging puno ng pag ibig na taos,
mamumuhay nang maayos at lagi may takot sa diyos.
Chorus2x[endtext]
http://www.youtube.com/watch?v=wl246SmqoH8endofvid