CB Automatic - Tambay — CB Automatic , Lyrics , OPM songs , Video — Latest OPM Lyrics

CB Automatic - Tambay

[postlink] http://liriko-ph.blogspot.com/2012/07/cb-automatic-tambay.html[/postlink] [starttext]
CB Automatic - Tambay Lyrics

Hapon na, san ka pupunta?
Kundi sa court panoorin ang mga bata
Nag lalaro ng basketball buong maghapon
Di ba ganto rin ang ginawa mo nung kahapon-hapon?

Biglang maririnig ang tropang tawagan
Doon sa butas ng rehas sila dumadaan
Ano, tsong, ano meron? Ano ang plano?
Mga tanong pero sagot ay di nag bago

Wala, walang magawa, ako'y bato
Inubos ko na ngang lahat ng istasyon sa radio
Mga lumang komiks at nakihiram ng dyaryo
Umarbor na ng yosi, mag lakad lakad na tayo

Meron ba tayong pang paamats,
Doon sa kanto, tig-bebente, sapat sa apat?
Habang maaga pa, simulan mo na
Steady lang kami dito, gusto mo bang sumama?

Chorus:
Etong Buhay
(Ang buhay ng tambay)
Steady lang... sumabay
(steady lang sumabay)
Etong buhay...
(ang buhay ng tambay)
Wag ka nang... Pasaway...
(wag ka ng pasaway)

Payosi-yosi
Steady lang sabay kuyakoy
Mahaba pa ang hapon ating pagpatuloy

Ilabas ang lumang song hits at pumili ng kanta
Aral ng tipa sabay kumpas sa gitara di ba

Ganoon ka simple ang buhay namin
Maliit ang patak pero malayo ang nararating
Mababaw lang ang kaligayahan
Konting juice, barbeque pinagsasaluhan

Di mapigilang may sumisita
Sa sarili niyong lugar ay may obstacle ka pa
Ay nako marami talagang pakelamero
Nagmamalinis pero mabaho pa sa poso negro

Steady lang kami, walang gulo dito
Barangay tanod at pulis puro sila perwisyo
Pagkatapos ay wala rin so balik sa trip
Mag balot ka pa ng j**nt na napakalupit

[Chorus]

Kinabukasan, hapon na naman
Sa mangungulit, doon uli sa basketbolan
Kasama ang lahat ng makalas
Tambay doon kahapon ngayon din pati rin bukas

Ang buhay ng tambay
Talagang pasaway
Eto lang trip namin
Gusto mong sumabay?

Baka magsisi ka
Baka mawili ka
Alam mo namang lahat parang galis
nakakahawa di ba?

[Chorus]

Eto, para 'to sa mga tropa ko sa Lifehomes
Sa mga tambay sa court
Sa mga tambay dun sa kanto, tindahan
Para sa mga laging napupuna
Simpleng banat lang, di ba?[endtext]

http://www.youtube.com/watch?v=tdcy8QHoPEAendofvid
Share this article :
 
Copyright © 2012-2013. Latest OPM Lyrics - All Rights Reserved
Music - Top Blogs Philippines
Template Edited by Pinoy Tambayan Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger