[postlink]
https://liriko-ph.blogspot.com/2012/06/remote-control-axel-pinpin-propaganda.html[/postlink]
http://www.youtube.com/watch?v=0Xj8uLRflO0endofvid
[starttext]
Remote Control - The Axel Pinpin Propaganda Machine
'Wag kang magtaka
kung sa pader ng Department of National Defense
ipinipinta ng mga magsasaka ang kanilang galet.
Di tulad mo,
wala silang Facebook wall
na pwedeng pagsulatan ng L-O-L
at Je-je-je at pakshet.
Di tulad mo
na ang katawan ay hinulma
ng 2-hour-daily workout sa Fitness First.
Di tulad mo
ang kanilang katauhan
ay pinanday ng daantaong kahirapan
di tulad mo
ang kanilang mga binti
ay pinatatag ng milya-milyang pagmamartsa sa lansangan;
di tulad mo
ang kanilang mga braso
ay pinatibay ng pagsalag sa hampas ng mga kawatan.
Sabi nga ni Gil Scott-Heron --
Hindi isasa-telebisyon
ang Rebolusyon.
Di tulad mo
na naniniwala na ang pagiging –
and I quote – mabuting Filipino – end quote,
ay ang pagtawid sa tamang tawiran,
pagsakay sa tamang sakayan,
at di-paggamit ng wang-wang.
Di tulad mo
ang kanilang pagmamahal sa bayan
ay nangangahulugan ng kahandaang maglakad
sa kalsadang nakalagay ang No Jaywalking sign
o di kaya ay sa bangketang may nakasulat na bawal ang tao dito.
Oo, bawal! Bawal ang tao dito!
Di tulad mo
ang kanilang pagmamahal sa Bayan
ay ang kahandaang magdidikit ng poster
sa gusaling may nakasulat na Post No Bill,
At kung madakip ay tiyak na huhusgahang –
No! You can’t post bail!
Sabi nga ni Gil Scott-Heron --
Hindi isasa-telebisyon
ang Rebolusyon.
Hindi tulad mo na ang kasiyahan ay nasa noon time show
Natutuwa sa ‘Kanino ka bumabangon?’ commercial
Pero hindi mai-ere ang Boycott Nestlé na sigaw!
Patuk-na-patok ang Showtime na pinagtutubuan ng halimaw.
Hindi tulad mong humahakot ng gantimpala at pagkilala
Pero hindi mo kilala ang mga tao sa likod ng kamera
Sabi nga ni Gil Scott-Heron --
Hindi isasa-telebisyon
ang Rebolusyon.
Hindi tulad mo na ang kasiyahan ay nakabatay sa rating.
Hindi ka na nahiyang basahin at gayahin si Dylan Thomas
nang bigkasin mo ang linya ng mga tula para kay Kapitan.
Sabi mo ay “Rage, rage against the dying of the light…”
Sa kanila ang mga linyang iyan. Sa kanila!
At dahil rito nalaglag muli ang kanilang luha,
hindi ito dahil sa walang-kapantay na visual effects,
o background music na malungkot,
o kaya’y plugging sa primetime;
cuz diz is d real reality show, oo, totoo!
Di tulad mo
ang kanilang puhunan ay ang kahandaang madampot,
makulong, ma-torture at kumanta ng Awit Ng Pag-asa
habang sa likuran ay may nakaumang na baril.
Di tulad mo
ang kanilang gantimpala ay umawit
ng Sumulong ka Anakpawis
habang hinihigpitan ang piring.
Di tulad mo
ang kanilang tagumpay
ay ang umawit ng Internationale
habang hinuhukay ang sariling libing.
Di tulad nilang handang madukot
at masama sa koleksyon ng "Surfacing".
Di tulad nilang handang mamatay
at maitala sa bilang ng mga biktima ng extrajudicial killing.
Mamatay at maitala at malikhang visual art sa Fact Sheet.
Mamatay at maitala sa tula, mamatay at mabuhay sa tula.
Mamatay at maging imortal sa tula.
At isang umaga, walang static ang telebisyon.
Walang Umagang Kayganda.
Walang balita, walang magma-Magandang Gabi Bayan.
Wala. Walang Bandilang iwawagayway.
Walang mga Telenovela, walang noon time shit na show.
Walang commercial. Walang Maalala Mo Kaya.
Wala. Wala.
Sabi nga ni Gil Scott-Heron --
Hindi isasa-telebisyon
ang Rebolusyon.
At sabi naman ni Denis Espada sa kanyang babala:
ang ganitong pang-aapi'y 'wag sanang gayahin ng nanonood na bata.
Kaya naman sa gabing ito ng makauring pagkakaisa
dadamputin ko ang remote control at papatayin kita!
Kaya ngayon --
Ang mga manggagawa sa Telebisyon
Ay gustong magrebolusyon![endtext]